LP – Numero

Numero o ranggo sa eskuwelahan

Kasiyahan na nating mga magulang ang makitang nagsisikap ang ating mga anak sa kanilang pag-aaral. Napapawi ang anumang hirap na ating nararamdaman sa araw-araw na pamumuhay. Higit pa ang kaligayahang dulot kung malalaman pa natin na kabilang sa mga namumukod-tanging mag-aaral ang ating anak. Larawan ito noong nakaraang school year. Napanatili ng anak ko ang pwesto niya sa third-place noong 2nd at 3rd Grading Period, sayang nga lang at kinulang daw ng .3 ang kanyang grado para masabitan siya ng medal bilang 3rd honor noong Recognition Day. Ang sabi ko naman hindi na bale, may ibang pagkakataon pa naman, ang mahalaga napatunayan niya sa kanyang sarili ang kaya pa niyang gawin.

4 thoughts on “LP – Numero

  1. Nortehanon

    Wow! Galing-galing naman ng anak mo, Ate Yam. Saka nakakatuwa kang mommy kasi hindi mo pini-pressure ang anak mo sa pag-aaral.

    Reply
  2. Yami

    @Iska, salamat.Overwhelmed ako pag may uwing good news sa akin from school ang mga anak ko, nakakatanggal ng pagod. 🙂

    @Nortehanon, salamat din. May pressure din kahit konti, pero kasi sa panganay ko alam na niya ang gagawin, di ko na gina-guide, di kagaya nung bunso, marunong din kaso may pagka tamad minsan.

    @Mylene, naku sa tingin ko pa lang kay Ska sa picture, smarteng-smarte na. lagi ka niyang uuwian ng star tingnan mo. Aba, preschool age na pala siya ano. 🙂

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.