Tag Archives: litratong pinoy

LP – Numero

Numero o ranggo sa eskuwelahan

Kasiyahan na nating mga magulang ang makitang nagsisikap ang ating mga anak sa kanilang pag-aaral. Napapawi ang anumang hirap na ating nararamdaman sa araw-araw na pamumuhay. Higit pa ang kaligayahang dulot kung malalaman pa natin na kabilang sa mga namumukod-tanging mag-aaral ang ating anak. Larawan ito noong nakaraang school year. Napanatili ng anak ko ang pwesto niya sa third-place noong 2nd at 3rd Grading Period, sayang nga lang at kinulang daw ng .3 ang kanyang grado para masabitan siya ng medal bilang 3rd honor noong Recognition Day. Ang sabi ko naman hindi na bale, may ibang pagkakataon pa naman, ang mahalaga napatunayan niya sa kanyang sarili ang kaya pa niyang gawin.

LP – Bulaklak

‘Di na muna sana ako sasali sa mga memes gaya ng naunang sinulat ko dito dahil abala ako sa ibang bagay. Kaso biglang pina-hinto kaninang umaga ‘yung proyekto para sa karagdagang abiso kaya eto sinamantala ko ang pagsali. Malamang nito kung di mamayang gabi o bukas ay abala na muli kami ng kabiyak ko (partners din kami sa proyektong sinasabi ko). Napahaba na ang kwento. 

Tungkol sa bulaklak ang tema ng Litratong Pinoy ngayon at walang kinalaman sa nauna kong sinabi. ‘Di ko alam ang pangalan ng ibang bulaklak (‘yung mga walang caption) na narito maliban sa Rosas at Gumamela.

Maganda silang tingnan, nakakaalis ng suya, nagpapalubay sa pagod na isip. Sayang lang at hindi ko napagtuunan ng pansin kaya wala na ang mga magagandang bulaklak na ito sa harap ng bahay namin.


Kuha ito sa Shrine of the Divine Mercy sa Bulacan

Kuha sa La Mesa Ecopark

Espesyal ang mga rosas na ito dahil regalo ito ng mga kumare ko noong kaarawan ko.

LP – Nakatali (Tied)

Hanggang sa dulo ng panahon. Ito ang kadalasang sinasabi ng dalawang taong nagmamahalan at nangakong magsasama habambuhay. Nakatali sila sa pangakong ‘yon at mananatiling totoo sa isa’t-isa. Sana lahat ng love story ay happy ending ano?

Kuha ang larawang ito sa Ecopark noong Holy Week. Ito ang unang kuha naming dalawa na nakayakap siya sa akin hindi kasi siya showy type eh. Parang nakatali na rin hindi ba?

LP – Pindot (Press)


Alam ko late na masyado ang pag-post ko sa entring ito para sa Litratong Pinoy dangan kasi ‘di ako maka-isip ng maganda larawan para dito maliban sa isang ito.

Pindot dito, pindot doon. Nakasingit ang anak ko minsan sa paggamit ng laptop. Nagpapahinga rin naman ako ano o kaya naman ay nagluluto alam niyo na nanay rin ako bukod sa pagiging blogger. Madami akong na-miss na mga tema nang mga nagdaang linggo, pero ngayon kahit late sige pa rin. Sarado na ata ang tindahan (LP) pero oks lang.

LP – Plastik (Plastic)

Kay ginhawang gamitin ng mga disposable plastic cups gaya nito. Hindi mo na aalalahanin ang anumang hugasin matapos mong inumin ang masarap na palamig. Kaya lang paano kung tapos mo ng gamitin ang mga cups na ito? Itatapon mo na lang ba? Sana kung ang mga lalagyang ito ay natutunaw o nabubulok wala sana tayong malaking problema sa basura.

Tingnan naman natin ang lahok ng iba dito sa Litratong Pinoy.