Litratong Pinoy – Batik/Mantsa

Sabi ko na nga ba mantsa lang ito at hindi orb. Nakita mo ba yung puting tuldik sa tabi ng buwan? Oo yan nga. Nakatuwaan kong kuhaan ng piktyur ang buwan kasi ang liwanag at napakagandang pagmasdan nito. Matapos kong kunan gamit ang aking digital camera, napansin ko ang puting bagay na ‘yan. Ang sabi nila orbs daw ‘yang bagay na ‘yan o espiritung ligaw. Natakot pa nga ako kasi, ‘yung ikalawang kuha ay sobrang lapit na nung puting bagay. Pero nung minsan manood ako ng TV may nagpaliwanag tungkol sa mga puting bagay na nagre-reflect sa larawan. Maaari daw repleksyon ng ilaw o kaya naman ay hamog. Dahil sa madilim naman nung kumuha ako ng litrato, gusto kong maniwala na patak lang ng hamog ang nakunan ko at hindi orb. ngii

16 thoughts on “Litratong Pinoy – Batik/Mantsa

  1. upto6only

    oo nga madaming eksplenasyon ang mga batik sa litrato. meron din akong nakuhan ng ganyan ngunit sabi ng ka-opisina ko na nakakita ay orb daw talaga ito kasi yung kuha ng aking ka-opisina sa same na pwesto ay wala namang orb na lumabas.

    happy lp

    Reply
  2. luna miranda

    naalala ko tuloy ang mga litratong kuha ko sa isang bahay ng kaibigan na maraming orbs. natakot ang may-ari ng bahay.:p harmless naman yata itong mga orbs.

    Reply
  3. Marites

    Talaga? meron akong mga litratong ganyan noong huli kong kuha sa buwan din. Akala ko lang, kulang ng linis ang lente ng camera ko hehehe! natakot ako dyan ah..maligayang LP!

    Reply
  4. Ken

    OK yan, maganda ang pag-include ng mga dahon. Parang nandiyan sa tabi mo ang mga readers mo. Isang kritik lang: lose the date stamp – kasi it makes your photograph very snapshot-like when, really, it looks good enough for preserving.

    http://www.ilio.ph/?p=394

    Reply
  5. Ken

    Oops, siya nga pala, ang orb – sabi nila spirits daw yan. Lumalabas lang iyan sa digital camera. There's a website solely dedicated for them (can't find it now). Siguro may isang spirit na malapit sa iyo, na nagbabantay sa iyo. Guardian angel, ika nga.

    Reply
  6. Ken

    Sabi nila, totoo nga 'yung orbs. It really depends on you if you believe them or not. I have several pictures of a festival in Aklan – one minute, ang daming orbs, another minute wala. It was incredible. I used another camera (film) – walang orbs, but the digital camera … daming orbs. I was thinking, since the festival is very popular in our hometown, siguro, the spirits wanted to participate. I'm weird that way. I've seen and experienced enough paranormal events that I tend to believe in the unexplainables even though I am a scientist. Go figure.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.