Tag Archives: salita

Litratong Pinoy – Salita (words)


Walang kinalaman si Tita Cory sa pinili kong salita (o kulay ng pin) para sa lahok ko ngayong Linggo. Naisip ko lang ano nga ba ang panuntunan upang sabihin mo sa sarili mo na proud kang maging Pinoy. Marami hindi ba?

(Larawan ito ng pin na binili ng aking asawa sa Manila Cathedral nang araw ng libing ni Tita Cory noong isang taon.)

Kung naniniwala ka sa pagbabago at buhay sa puso at isip mo ang paniniwala na may magagawa pa para maipagmalaki mo ang pagiging Pinoy. Gawin mo ang tama. Kung may oras kang bumoto sa eleksyon sa Mayo 10, siguraduhin lang na hindi ka naimpluwensiyahan ng kung anumang kulay at salita sa pagpili ng pangalan na iyong itatala sa balota.

Proud naman akong maging Pinoy. Ikaw ba?

(Parang mali yung title ko. Kung words, dapat mga salita ang ginagamit ko. Naku sensya na sa mga grammarian diyan hehe.)