Litratong Pinoy – Kalikasan

Magandang araw Ka-LP! Ang lahok ko ngayon ay kuha mula sa maraming larawang aking tinipon nang kami ng aking anak ay sumama sa field trip sa Bulacan at Subic noong isang buwan.

Kinunan ko ang berdeng taniman ng mga mga palay sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEx. Matagal na akong hindi nakakapagbiyahe ng ganoong kalayo kaya para naman akong na-excite na kunan ang dinadaanan naming palayan. Tumatakbo ang sinasakyan naming bus. Medyo maswerte lang ako at nakunan ko ng maayos ang mga larawang ito.

 Kay gandang pagmasdan ng kalikasan, hindi ba? Harinaway makakita pa tayo ng ganitong kagandang tanawin sa hinaharap.

Sana nagustuhan niyo ang lahok kong ito. Marami pang lahok ang naghihintay sa inyo dito.  

8 thoughts on “Litratong Pinoy – Kalikasan

  1. Mrs. Kolca

    kay inam ng una at pangalawang larawan.. para bagang kay sarap sumilong sa mga punongkahoy na yaon habang lumalanghap ng masarap na simoy ng hangin.. hihi..

    Reply
  2. Girlie

    kaya pala parang familiar, ewan ko ba, pede naman sa ibang lugar yan. pero feeling ko talaga sa north diversion (nlex)

    Reply
  3. Yami

    @Mrs. Kolca, ang lalim mo rin palang managalog, hihi.

    @upto6only, salamat.

    @Girlie, pamilyar ba? madalas mo sigurong madaanan ang lugar na 'yan.

    Reply
  4. Marites

    mahilig din akong kumuha ng mga litrato habang tumatakbo ang sasakyan..ang gaganda ng mga kuha mo lalo na iyong una at pangalawa. maligayang LP!

    Reply
  5. eyefocus

    ang sarap talaga sa mata ng luntian at bughaw, ang husay ng pagkakakuha dahil hindi nag-blur kahit umaandar kayo. hindi ko ito nakikita dahil madalas sa gabi ang biyahe para iwas sa trapik 😀

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.