Ang mga hibla ng buhok na ito ay sa aking anak na lalaki. Ginupitan namin siya bago sumapit ang kanyang unang kaarawan. Mainit kasi ang panahon at parati siyang nagkakaron ng singaw sa ulo na nagiging sanhi ng kanyang pagiging iritable kaya nagdesisyon kami na gupitin ang kanyang malambot na ‘baby hair’. Heto at naitabi ko pa bilang remembrance. Ang bilis talaga ng panahon heto at binatilyo na ang may-ari ng buhok na yan.
Bisitahin ninyo ang iba pang lahok sa Litratong Pinoy. Maligayang Huwe-best sa lahat!
ang haba na ng buhok nya ha 🙂
happy huwebes! ito naman ang aking lahok sa linggong ito: http://sunshinearl.com/2010/lp-hibla-string/
oh wow! naitago mo pa talaga nag buhok nya…I am trully impressed! Ayan at na featured pa sya sa LP, pwede ipakita sa magiging mga anak nya yan, I'm sure ma-mamangha sila 🙂
HAPPY LP!
tinago din ng nanay ko iyong buhok ko, hindi ko lang alam kung asan na niya itinago. magandang souvenir yan. maligayang LP!
@Arls, oo mahaba ang buhok niya noong maliit pa siya.
@Thess tama tess isang magandang souvenir ng kanyang kabataan.
@Marites sayang naman sana makita mo ulit. Salamat.
galing naman at naitago mo pa ang kanyang buhok. binatilyo na siya ano? grabe ang pagtago ng buhok. thanks for following.